CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa paghahanda ng Municipal Water Supply and Sanitation Master Plans (MWSSMP) ang DILG Region 2.
Pinangunahan ito ng Project Development and Management Unit (PDMU) at Office of the Project Development Services-Water Supply and Sanitation Sector (OPDS-WSSS) nito lamang ika-15 ng Agosto sa Maria Lourdes Mansion, Naganacan, Santa Maria, Isabela.
Dinaluhan ng mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan ng Mallig at Santa Maria ang nasabing aktibidad.
Sa pagsasanay ay ibinahagi ni Cluster Head Cristina Somera na mahalaga ang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plans para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto sa tubig.
Dagdag pa niya, kabilang sa tatanggap ng Local Government Support Fund – Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSf-SAFPB) para sa taong 2024 ang LGU Mallig at Santa Maria.