CAUAYAN CITY – Nakatakdang maglunsad ng mga programang makatutulong para sa pagharap ng mga sakuna at kalamidad ang Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer na si King Webster Balaw-ing, isa sa mga programa ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Councils na magagamit tuwing mayroong Preemptive and Forced Evacuations.
Ito rin ay upang masiguro na ang bawat pangangailangan ng mga evacuees ay mabibigyan ng pansin.
Tinatayang nasa P50, 000 ang umano ang ibibigay na pondo sa bawat barangay sa lalawigan at mayroon ding mga indoor tents na kasama upang maging komportable ang mga evacuees.