Patuloy ang isinasagawang information dissemination ng Center for Health Development 1 patungkol sa kahalagahan ng bakuna sa isang indibidwal maging ang sakit na malaria sa pagdiriwang ng World Malaria Day noong April 25.
Ayon sa tanggapan, ang sakit na malaria ay tulad ng transmission ng dengue na nakukuha kapag nakagat ng lamok na Anopheles na may parasite.
Maaaring makaranas ng lagnat, panginginig at pagpapawis. Karaniwang nagpapakita ang mga sintomas sa loob ng 10 hanggang 15 araw.
Maaari naman na maiwasan ang sakit na malaria sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran, paggamit ng kulambo at pag-ispray ng insecticide upang hindi madapuan ng lamok na carrier ng parasite na nagdudulot ng malaria.
Kaugnay nito, abiso ng kagawaran na agad magpakonsulta sa health centers kapag nakaranas ng mga sintomas at nanggaling sa lugar na may kaso ng malaria. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨