𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Mabenta ngayong mainit ang panahon ang produktong pakwan na ibinebenta ngayon sa ilang pamilihan sa Dagupan City.

Isa sa pamatid uhaw at swak umano sa mainit na panahon sa lungsod ang bentang pakwan.

Ang ilang mamimili, sinusulit ang pagbili ng naturang produkto dahil harvest season rin nito ngayon.

Maganda ang pakwan sa pagbibigay ng electrolytes gaya na lamang ng potassium at siyamnapung porsyento nito halos tubig.

Masustansya rin na snacks ang pakwan ngayong panahon ng tag-init kung saan nagbibigay rin ito ng malakas na antioxidants at mga bitaminang kailangan ng katawan.

Payo naman ng awtoridad na piliin pa rin mabuti ang binibiling uri ng pakwan para maiwasan ang pagkasira. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments