Sunday, February 8, 2026

𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Cauayan City — Matagumpay na nadakip ng kapulisan ang isang Most Wanted Person (MWP) na sangkot sa ilegal na droga matapos ang isang operasyon kahapon, ika-7 ng Pebrero sa Brgy. Baculud, City of Ilagan, Isabela

Kinilala ang naarestong suspek bilang si alyas “Ben,” 27-anyos, isang drayber, at residente ng Brgy. San Isidro, City of Ilagan.

Siya ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng isang Bench Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 17, City of Ilagan, Isabela.

Dahil sa bigat ng kaso, walang inirekomendang piyansa para sa kasong paglabag sa Section 5, habang itinakda ang P200,000.00 na piyansa para sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165.

Isinagawa rin ng Ilagan CCPS ang kinakailangang dokumentasyon bago ito pormal na iharap sa korte na naglabas ng warrant, alinsunod sa umiiral na mga alituntunin ng batas.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng focused agenda ng Chief, Philippine National Police (CPNP) na palakasin ang kampanya kontra ilegal na droga, paigtingin ang pagtugis sa mga wanted na indibidwal, at isulong ang isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad sa pamamagitan ng intelihente at makataong police operations.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments