
CAUAYAN CITY- Dismayado ang ilang mga tricycle drivers matapos hindi mapabilang ang kanilang mga pangalan sa isinagawang payout ng DSWD ngayong araw, ika-8 ang Abril.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD upang makatulong sa mga tsuper na apektado ng mataas na presyo ng langis.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Jose Paguirigan, Toda Presiedent ng Brgy. Guayabal, ang ilan sa kaniyang mga kapwa tricycle drivers ay hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa mga kakulangan ng kanilang mga personal na inpormasyon.
Dagdag pa niya, tinatayang nasa 30 porsyento hanggang 40 porsyento ng mga tricycle drivers ang hindi nakatanggap ng kanilang mga ayuda.
Samantala, iginiit ni Ginoong Paguirigan na mahalagang mas paigtingin ang information dissemination ukol sa mga requirements ng AICS upang maiwasan ang kalituhan at hindi pagkakasama ng iba pang kwalipikadong benepisyaryo sa mga susunod na payout.
Bagamat, may mga tricycle drivers na hindi nakatanggap ng kanilang ayuda ay, umaasa sila sa karagdagang schedule ng payout o alternatibong paraan upang matulungan ang mga hindi napabilang sa unang pamamahagi ng ayuda.










