𝗗𝗨𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗗𝗨𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬, 𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Matagumpay ang isinagawang blood letting activity na may temang “Dugong, Dugong Buhay” Give Blood, Save Lives sa lungsod ng Dagupan, nito lamang ika-9 ng Disyembre 2023.
Katuwang ang Region 1 Medical Center, RPR company, PNP at BFP ay naging posible ang nasabing aktibidad.
Layunin ng nasabing aktibidad na maiwasan ang kakulangan ng supply ng dugo upang sa ganun ay magkaroon ng agarang aksyon kung sakaling may may nangailangan nito.

Samantala, maituturing na bayani ang mga nagbibigay ng dugo sapagkat maibabahagi nila ang buhay na maaaring mag-dugtong sa mga taong nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments