
Cauayan City – Ipinagdiwang ng DZDA ang ika-10 anibersaryo nito sa patuloy na pagsisilbi sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyong pang-agrikultura.
Ayon kay Jhoana M. Bassig, Chief ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section, mahalagang maghatid ang kanilang ahensya ng kaalamang makatutulong sa pagtaas ng ani, kita, at kabuhayan ng mga magsasaka.
Aniya, ang wastong impormasyon ay gabay ng mga magsasaka sa tamang pagtatanim, pag-aalaga ng pananim, at pagharap sa mga hamon sa agrikultura.
Sa loob ng sampung taon, nagsilbing tulay ang DZDA upang maipaabot sa mga magsasaka ang mga programa, teknolohiya, at serbisyong makatutulong sa kanilang produksyon at pang-araw-araw na pamumuhay.
Bilang bahagi ng patuloy nitong pagseserbisyo, pinaninindigan ng DZDA ang polisiya nito sa lokal na media na magpalaganap ng tama, malinaw, at napapanahong impormasyon.
Layunin nitong mapanatili ang kredibilidad, integridad, at tiwala ng publiko, lalo na ng mga magsasakang umaasa sa radyo bilang pangunahing pinagkukunan ng kaalaman.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










