𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢

Mararanasan hanggang sa buwan ng Agosto ang epekto ng umiiral na El Nino Phenomenon sa bansa ayon sa Department of Science and Technology o DOST.

Sa pinakahuling datos mula sa pamunuan, hanggang sa buwan ng Abril, nasa apatnapu’t-walong (48) na mga probinsya ang apektado ng drought condition, dalawampu’t-apat ay nakakaranas ng dry spell, bagamat pagpatak ng Mayo, nasa limampu’t-apat (54) ay sa ilalim ng drought habang sampu (10) naman sa dry spell.

Ayon sa DOST Sec. Solidum, kinakailangan na ipagpatuloy ang isinasagawang paghahanda laban sa epekto nito, maging pagbigay aksyon din sa paparating na La Nina.

Samantala, nanatili pa ring apektado ang Ilocos at nakapagtala na ng higit 50M na danyos sa sektor ng agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments