𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚, 𝗡𝗔𝗟𝗢𝗞𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔

Pinag-iingat ngayon ang publiko matapos maloko, sa hindi inaasahang pangyayari ang mag-asawang nagbebenta ng itlog sa may bahagi ng Mancup sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa facebook post ni Bernan Serafica, bandang alas diyes ng umaga noong linggo, mayroong lalaki ang huminto at bumili sa mag-asawa ng itlog.

Bumili ang lalaki ng 6 na tray na nagkakahalaga ng tig dalawang daan at nag-abot ng dalawang libo, at sinabihan ang lola na kunin at suklian ma lamang siya ng limang daan.

Sa kasamaang palad, napagtanto nito na peke ang perang ibinayad sa kanila nang sila’y magbabayad na sa isang kainan.

Labis naman ang kalungkutan ng lola nang siya’y magantso sa hindi inaasahang pagkakataon.

Samantala, matapos itong i-post sa page ng IFM ay mayroon namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang kagandahang loob upang ipaabot nang agaran ang kanilang mga tulong at nakatakda ng puntahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments