𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗞𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗚𝗢

Lumago, umano, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA Ilocos Region ang estado ng ekonomiya sa Ilocos Region base sa datos nito noong nakaraang taon.

Ayon sa datos na iniulat ni PSA RSSOI Regional Director Atty. Sheila O. De Guzman, nakapagtala ng 7.1% na economic growth ang ahensya sa rehiyon uno, kung saan ito ay pumapangatlo sa walong rehiyon na may mataas na economic growth kaysa sa pagtaas ng kabuuan nito sa buong bansa na 5.5%.

Samantala, ayon pa sa datos na inilabas ng PSA Ilocos Region, nanguna ang Services Sector sa mga dahilan kung bakit tumaas, diumano, ang ekonomiya, kung saan nakapagcontribute ito ng 53.4%, sumunod naman ang Industry Sector na may 30.5% na kontribusyon at 16.1% naman para sa Agriculture, Forestry, at Fishing.

Sa usapin naman ng inflation, naitala ang 2.2% na inflation rate kung saan nakapagtala ng pinakamataas na inflation ang La Union sa bilang na 3.7%, at sinundan ng Pangasinan na 2.5%.

Inihayag ang mga naturang datos sa 2023 Report on the Economic Performance of Ilocos Region News Conference na ginanap kamakailan sa lalawigan ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments