๐—ช๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ, ๐—ž๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—”

Naganap kahapon, April 26, 2024 ang isa sa pinakamalaking aktibidad na bahagi ng 2024 Agew na Pangasinan at Pistaโ€™y Dayat โ€“ ang Grand Coronation Limgas na Pangasinan 2024, mamayang alas otso gabi sa Capitol Grandstand, Lingayen.

Labinsiyam na mga binibini na representante mula sa ibaโ€™t-ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ang nagpasiklaban sa pagsungkit ng mga korona at titulo.

Bahagi ng aktibidad, nauna nang binigyang diin ni First Lady Hon. Maan Tuazon-Guico ang mas pagtutok sa pagpapayabong ng sining, kultura at turismo ng lalawigan ng Pangasinan.

Alinsunod dito, ibaโ€™t-ibang mga aktibidad na may kaugnayan sa mga nasabing adhikain ang inilunsad na at nakatakdang isagawa pa ang iba.

Samantala, itinanghal na Limgas na Pangasinan World 2024 si Bb. Lyha mula sa Pozorrubio, Limgas na Pangasinan Grand si Jenesse Mejia ng Malasiqui, Pearline Bayog ng Lingayen bilang Limgas na Pangasinan Mutya, 1st runner-up, Rebecca Ayuban ng Urbiztondo, 2nd runner-up ay si Izzy Bernardino ng Sta. Barbara habang 3rd runner-up si Paulie Camat ng Binalonan.

Inaasahan na ang mga nakoronahan ay magiging representate ng Pangasinan sa mga gaganaping national maging world pageants. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments