π—˜π—«π—§π—˜π—‘π—¦π—œπ—’π—‘ π—‘π—š 𝗣𝗨𝗩 π—–π—’π—‘π—¦π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—ͺπ—˜π—Ÿπ—–π—’π— π—˜ π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§, 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—”π—Ÿπ—Ÿπ—œπ—”π—‘π—–π—˜ 𝗒𝗙 π—–π—’π—‘π—–π—˜π—₯𝗑 𝗧π—₯𝗔𝗑𝗦𝗣𝗒π—₯𝗧 𝗒π—₯π—šπ—”π—‘π—œπ—­π—”π—§π—œπ—’π—‘

Isang welcome development para sa grupong Alliance of Concern Transport Organization o ACTO ang naging desisyon ng Pangulong Bongbong Marcos na extension ng PUV Consolidation hanggang buwan ng Abril.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Acto National President Liberty de Luna, mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa miyembro ng consolidation.

May tatlong buwan pa aniya ang mga hindi pa kasali upang makapag miyembro sa nasabing consolidation.

Sa ngayon ay nasa 10% pa aniya ang mga kasapi o miyembro ng ACTO na hindi sumasama sa PUV Consolidation kung saan ay madami rin dito sa Pangasinan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments