Senate Majority Leader Joel Villanueva, may hawak na ebidensya laban sa mga nasa likod ng People’s Initiative

May hawak umanong sapat na ebidensya si Senate Majority Leader Joel Villanueva para patunayan kung sino ang mga nasa likod ng People’s Initiative.

Ayon kay Villanueva, sa iba’t ibang pamamaraan ipinaabot sa kanya ang mga ebidensyang nagtuturo kung sino ang nag-utos at nasa likod ng kontrobersyal na People’s Initiative para sa charter change.

Mayroon aniyang sa pamamagitan ng sulat, voicemail, e-mail, Facebook, Messenger, WhatsApp, Viber at text ipinaabot ang mga ebidensya.


Kabilang dito ang isang voicemail na apat na kongresista ang naguusap at tinukoy si Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng People’s Initiative.

Dagdag pa ang apat na alkalde na umamin sa kanya na may mga staff ng mga kongresista ang tumawag sa kanila para sa gagawing signature campaign at may sapat siyang database ng mga ebidensya tungkol dito.

Kung tatanggapin aniya ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation ay ire-raise ni Villanueva kung pwedeng gawing ebidensya ang mga ito pero kanya munang susuriin ang legalidad ng mga ito.

Facebook Comments