𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔

Unti-unti nang bumababa ang farm gate price ng palay simula ngayong buwan ng Pebrero dahil siya ring pagdami ng mga nag-aaning magsasaka sa pagpasok ng harvest season.

Matatandaan na sa huling linggo ng Enero ngayong taon ay ilang mga Pangasinenseng magsasaka ang nauna nang nag-ani upang samantalahin ang mataas na buying price nito.

Kaugnay nito, inaasahan naman na pagpatak ng buwan ng Marso ay mararamdaman ang pagbaba sa kada kilo ng bigas ng hanggang 45 hanggang P48.

Sa Dagupan City, nananatiling nasa P49 hanggang P53 ang pinakamababang presyuhan sa per kilo ng locally milled rice na siyang kadalasang binibili ng mga consumers.

Samantala, sa Ilocos Region, nananatili ring matatag ang rice production sa rehiyon at hindi nakikitaan hanggang sa kasalukuyan ng kakulangan sa nasabing produksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments