Tuluyang dinagsa kahapon araw ng Linggo, ang fish section sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Ilang mga consumers aminado na hindi na lamang produktong karne ang patok sa kanila ngayon dahil mas gusto ng mga ito ang produktong isda at mga lamang dagat o seafoods.
Isa sa higit na tinatangkilik ayon sa mga fish vendors ay ang Bangus na naglalaro sa presyuhan nitong ₱ 180 hanggang ₱ 200, depende pa sa bibilhing laki nito.
Kasabay nito ang bagong harvest ng mga fish growers mula sa ilang bahagi sa lungsod. Ayon sa mga ito, maayos daw ang naging produksyon ng mga bangus sa kabila ng nararanasang pabago-bagong panahon dahil malalaki nang ma-harvest ang mga ito.
Samantala, matatandaan na inirekomenda rin ng DOH ang pagsali sa seafoods sa mga ihahandang pagkain sa holiday upang may panlaban sa mga makolesterol na pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨