𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘

CAUAYAN CITY- Malaking tulong ang ipinatayong flood control project sa bahagi ng Brgy. Baringin Norte, Cauayan City, Isabela ngayong panahon ng kalamidad.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Jordan Mallillin, dahil sa flood control project ay napigilan ang pagguho ng mga lupa sa gilid ng ilog kung saan dati-rati ay madalas nila itong nararanasan tuwing may bagyo.

Aniya, ang isang libong metro ng flood control project sa kanilang barangay ay nakatulong upang hindi basta-basta maaabot ng tubig baha ang mga kabahayan sa kanyang nasasakupan.


Kaugnay nito, bagama’t nakaligtas sa epekto ng Bagyo ang mga kabahayan sa Baringin Norte ay hindi naman nakaligtas ang mga magsasaka sa lugar.

Tinatayang nasa anim na magsasaka ang apektado ng Bagyo kung saan nasa sampung hektarya ng pananim ang nasira na hindi bababa sa dalawampung libong piso kada hektarya ang ginastos ng mga corn farmers.

Samantala, agad namang nag-report ang mga ito sa City Agriculture Office upang mag-file ng indemnity claim.

Facebook Comments