
Cauayan City – Ipinakita ng Lungsod ng Cauayan ang ganda at kahalagahan ng Gaddang fabrics sa kanilang Smart Heritage Pavilion sa Bambanti Village, Isabela Provincial Capitol.
Ginamit ang Gaddang tela sa backdrop at vertical spire elements ng pavilion bilang simbolo ng pagpapahalaga sa pre-colonial roots ng lungsod.
Ayon sa mga nagdisenyo, ang paggamit ng tela ay maingat at sinadya upang ipakita ang ugnayan ng ancestral identity at modern architecture.
Kasabay nito, bahagi rin ang pagpapakita ng Gaddang textile sa selebrasyon ng Philippine Tropical Fabrics Month ngayong Enero.
Layunin ng buwanang selebrasyon, na may temang “Stitching Futures,” na itaguyod ang paggamit at pagpapahalaga sa local tropical textiles tulad ng abaca, saging, pineapple leaf fiber, at Philippine silk.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










