Friday, January 30, 2026

π—šπ—œπ—‘π—”π—‘π—š, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—” π—‘π—š π—Ÿπ—£π—š

Cauayan City – Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang ginang dahil sa ilegal na pagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) kahapon, ika-29 ng Enero sa Barangay Baculod, Cauayan City, Isabela.

Sa isinagawang entrapment operation, inaresto ang suspek na kinilalang alyas β€œLita,” 27-anyos, helper, at residente ng nabanggit na barangay, matapos magbenta ng isang REGASCO LPG tank at isang SPI Gas tank kapalit ng dalawang tig-β‚±1,000 na papel na ginamit bilang buy-bust money.

Nakumpiska mula sa suspek ang iba’t ibang LPG cylinders, kabilang ang mga kulang sa timbang at bakanteng tangke ng REGASCO at SPI Gas, gayundin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon. Ang mga karagdagang LPG cylinders ay narekober rin sa loob ng tindahan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamo para sa pagsasampa ng kaso sa tamang tanggapan ng prosekusyon.

Makikipag-ugnayan din ang Cauayan CCPS sa Department of Trade and Industry at iba pang kaukulang ahensya para sa beripikasyon ng business permit at mas malalim na imbestigasyon sa ilegal na operasyon.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments