CAUAYAN CITY- Tagumpay ang isinagawang pinakamalaking marijuana eradication operation sa Probinsya ng Kalinga partikular na sa Mt. Chumanchil, Tinglayan, kamakailan.
Ikinasa ang COPLAN High Impact Joint Marijuana Operation o HIGHLANDER ng Northern Luzon Command (NOLCOM) katuwang ang PDEA, PNP, Philippine Coastguard, at iba pang law enforcement agencies.
Pumalo naman sa 1,575 kilo ng dried marijuana, mahigit 3.3 milyong fully-grown marijuana plants na may katumbas na halagang nasa halos 862 million pesos ang nasira.
Ang matagumpay na operasyon ay itinuturing na โlargest marijuana eradication operationโ sa kasaysayan ng bansa.
Ikinasa ang operasyon matapos malaman na karamihan sa mga iligal na droga na sinusuplay at ibinebenta sa metro manila at iba pang bahagi ng bansa ay nanggagaling rito.