𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡, 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗣 𝗦𝗜𝗧𝗘

CAUAYAN CITY- Ginawang dump site o tapunan ng mga basura ang Brgy. San Fermin sa Lungsod ng Cauayan kung saan sakit ito sa ulo para sa mga opisyal ng nasabing barangay.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Niño Lucas, maraming basura mula ibang barangay o bayan ang itinatambak sa kanilang barangay.

Aniya, gabi at madaling araw umano kadalasang itinatapon ang mga saku-sakong basura ang sa gilid ng kalsada lalo na malapit sa bahay ng Punong Barangay.


Ngayong taon lamang ay may nasampolan na sila dahil nahuli ito sa aktong nagtatapon ng basura kung saan bilang kaparusahan ay pinagmulta ito ng limang daang piso.

Sa ngayon ay naglagay na sila ng mga tarpaulin bilang babala kung saan nakasaad rito ang mga karampatang parusa at multa sa sinumang lalabag nito.

Facebook Comments