𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟮𝗛 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗧𝗜𝗟𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗩𝗢𝗨𝗖𝗛𝗘𝗥

Nasa halos dalawang daang mga magsasaka sa lungsod ng Dagupan ang benepisyaryo ng Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture (DA).

Matatandaan na nauna nang tumanggap ng tulong pinansyal ang mga rice farmers sa lungsod sa pamamagitan naman ng ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Layon ng mga programang matulungan ang mga magsasaka lalo na at nahaharap ang mga ito ngayon sa mas mabibigat na suliranin tulad na lamang ng patuloy na nagmamahalang presyo ng mga gamit pansaka.

Kabilang din ang pamamahagi ng FDV sa pagkamit ng ng sustainable agriculture sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals na kasunod din ang pagkamit ng food security na adhikain ng Marcos Administration.

Samantala, mas pinalawig pa ng pamunuan ng DA ang mga programang bebenipisyo para sa mga magsasaka sa bansa lalong lalo na at nahaharap ang mga ito ngayon sa epekto ng umiiral na El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments