𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩𝗦 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗛 𝗗𝗘𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗧.

Pansamantalang not passable para sa lahat ng Public Utility Jeepneys (PUJs) na Dagupan Bound ang isang pangunahing kakalsadahan sa lungsod bunsod pa rin ng nagpapatuloy na konstruksyon ng mga road projects.

Sa kasalukuyan, epektibo para sa mga ito ang pag-ikot sa bahagi ng PNR Site, palabas sa AB Fernandez Avenue.

Ang mga sasakyang Mangaldan, San Fabian at Manaoag Route ay inatasang dumaan din sa naturang kalsada.

Sa ngayon, tanging mga pribadong sasakyan lamang ang pinayagang makadaan sa MH Del Pilar St.

Ito ay upang bigyang daan ang magkabilaang konstruksiyon sa nasabing kalsada lalo na at makitid ang espasyo rito.

Samantala, inaasahan na muling ililift ang umiiral na kautusan kapag natapos ang road construction dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments