Friday, January 16, 2026

π—›π—˜π— π—’π——π—œπ—”π—Ÿπ—¬π—¦π—œπ—¦ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯, π—œπ—§π—”π—§π—”π—¬π—’ 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗣𝗔π—₯π—œ, π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘

β€ŽCauayan City – Dumalo si Gobernador Edgar β€œManong Egay” Aglipay sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa itatayong dalawang-palapag na Hemodialysis Center sa bayan ng Aparri nitong Miyerkules, Enero 14, 2026.
β€Ž
β€ŽAng proyekto ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Aparri sa pamumuno ni Mayor Dominador Dayag, katuwang ang Ascendant Healthcare Corporation, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan ng mga Cagayano.
β€Ž
β€ŽSa kanyang talumpati, pinasalamatan at pinuri ni Gobernador Aglipay ang inisyatiba, na ayon sa kanya ay maghahatid ng pag-asa at mas maayos na gamutan para sa mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin din ng Gobernador ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga programang pangkalusugan ng LGU ng Aparri, alinsunod sa E.G.A.Y. Governance Platform na naglalayong mailapit ang serbisyong medikal sa bawat Cagayano.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments