Naipamahagi na sa mga TUPAD beneficiaries sa lalawigan ng Ilocos Sur ang kanilang payout sa sampung araw na pagtatrabaho.
Nasa kabuuang bilang na dalawang libo, apat na raan at apatnapu’t-isang mga residente mula sa Suyo, Santiago, Sta. Catalina, Vigan, Sinait, San Juan at Caoayan ang benepisyaryo ng programa.
Umabot sa higit labing-isang milyong piso ang halaga ng naipamahaging TUPAD payout. Nagpapatuloy ang pagbibigay ng trabaho sa ilalim ng programa lalo na sa mga nangangailangang residente ng Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments