๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ข, ๐—ก๐—”๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—œ๐—ž๐—ง๐—œ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—ข๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก

Umaabot sa 18.6 milyong piso ang naipamahagi na sa 120 pamilya na biktima ng sunog sa Ilocos Region ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.

Ayon sa DSWD, sa tatlumpung insidente ng sunog sa rehiyon, higit 16 milyong piso ang financial assistance, samantalang nasa halos dalawang milyon naman para sa mga food at non-food items.

Sa pagpasok naman ng fire prevention month, pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang mga residente na gawin ang lahat ng makakaya upang makaiwas sa mga posibleng pagmulan ng sunog. Hinihikayat nila ang bawat isa na isagawa ang ibaโ€™t ibang fire safety procedures para sa kaligtasan ng bawat isa.

Paalala rin ng DSWD na kung sakaling may mga insidente ng sunog ay huwag mag-alintanang ipagbigay-alam ito sa tanggapan ng BFP, LGU, at DSWD para sa mga kaukulang tulong na hatid ng ahensya. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments