Malugod na tinanggap ng 40 oyster growers sa Dagupan City ang livelihood assistance na bamboo floating rafts at nagkakahalaga ng P990, 640 mula sa Department of Labor and Employment-Central Pangasinan Field Office kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong 2024.
Nakapaloob sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program na paraan ng kagawaran upang mas mapaangat at mas mapalakas ang pagbibigay ng trabaho at mapababa ang bahagdan ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay DOLE-CPFO Agnes Aguinaldo, layunin ng programa na makapagbigay access sa mga marginalized na manggagawa sa mga livelihood assistance.
Nagpahayag naman ang Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan na pasok sa hanay ng plano nito ang assistance mula sa DOLE sapagkat pinaplanong maglunsad ng Talaba Festival sa lungsod sa mga susunod na taon tampok ang oyster industry dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨