Nasa higit tatlong daang gma alagang aso at pusa sa baying Aguilar ang nabebenipisyuhan ng libreng serbisyong medikal sa isinagawang Veterinary Medical Mission.
Ang naturang medical mission para sa mga alagang hayop ay pinangunahan ng Provincial Veterinary Office at ng Municipal Agriculture Office kung saan nakinabang ang mga residente sa bayan.
Isa rin ito sa mga programang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office nang sa gayon ay matulungan ang mga pet owners sa pangangalaga ng kanilang mg alagang hayop lalo pagdating sa kanilang mga kalusugan.
Naserbisyohan ng libreng veterinary medical mission ang nasa 326 na mga alagang aso at pusa ng ilang residente sa naturang bayan.
Samantala, patuloy rin ang pagsulong gn Provincial Veterinary Office ukol naman sa pagiging responsible pet ownership ng mga residenteng nakatira sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨