Aabot sa 5000 hanggang 7000 botante sa Dagupan City ang inaasahang magpaparehistro sa mga susunod na araw at linggo.
Ayon kay Dagupan City Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, umabot lamang sa 379 ang nagpaparehistro.
Sa kabilang banda, aniya, naghihintay lamang sila ng direktiba mula sa Central Office na nagpapahintulot na alisin ang aabot sa walong libong mga registered voters sa siyudad nitong Abril na kinabibilangan ng mga multiple registered voters o registrants flying voters, mga hindi bumuboto ng dalawang magkasunod na eleksyon o di kaya ay nasawi na.
Nasa 141,000 ang naitalang bilang ng botante sa Dagupan City mula noong Barangay election. Maaring bumaba sa 132 hanggang 133,000 ang bilang kapag naisagawa ang cleansing ngunit tatablahin ito ng inaasahang 5000 hanggang 7000 na magpaparehistro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨