𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔

Dinagsa ng mga mamimili ang baratilyo sa Dagupan City sa huling araw nito kahapon, January 31, 2024.

Umaga pa lang, dinagsa na kahapon ang naturang baratilyo kung saan bagsak na ang presyo ng halos lahat ng tinda ng mga nagrentang negosyante.

Hindi naman nagpahuli ang mga mamimili at binili na ang mga murang nabibili sa baratilyo tulad ng sapatos na binagsak na ang presyo sa 250 pesos, mga damit na pambabae kung saan bumagsak na ang presyo sa 30 pesos hanggang 40 pesos.

Alas diyes ng gabi nang inumpisahan naman ang flushing sa bahagi ng kalsada matapos na pagbabaklasin na ng mga negosyanteng nagrenta ang kani-kanilang mga naging pwesto.

Samantala, sa pag-alis naman ng baratilyo ay ang muling pagbubukas naman ng Galvan at Jovellanos Street para sa mga motorista na siyang epektibo na ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments