𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗢𝗣 𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Ininspeksyon ng kawani ng lokal na pamahalaan ng Binalonan sa pangunguna ng alkalde ng bayan ang building ng Business One Stop Shop (BOSS) sa bahagi ng Barangay Poblacion.

Ang pagsasagawa ng inspeksyon na ito ay para sa pagbibigay ng kasiguraduhan na nakakapagbigay ito ng maayos at convenient na serbisyo para sa mga business owners at investors ng kanilang bayan.

Ang naturang building ay magsisilbi ng permanenteng pasilidad para sa municipality business registration at renewal operations.

Sa ngayon kasi ay nag-ooperate muna ang Business One Stop Shop sa Municipal Hall Building kaya naman ang pagkakaroon ng sariling building ay isang mahalagang mekanismo sa pagtataguyod ng kadalian ng paggawa ng mga business policies gayundin ang pagsiguro ng transparency, accountability, at efficiency sa paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments