Sa pagpapatuloy ng snake hunting sa Brgy. Bued, Calasiao, binigyang linaw na ng Department of Environment and Natural Resources na malaki ang tsansang alaga o pet ang hunos ng burmese python na natagpuan sa lugar.
Ayon kay Philip Matthew Licop, Ecosystem Management Specialist ng CENRO Central Pangasinan, ang balat ng ahas na natagpuan ay maganda at malapad, indikasyon na napapakain ito ng wasto at inaalagaan ng mabuti. Maaaring itinapon lang din umano ang hunos sa lugar dahil sa linis nito ay pwedeng sa kulungan ito nagbalat. Dagdag niya, hindi mailap sa tao ang burmese python.
Magsasagawa ang MENRO at lokal na pamahalaan at barangay council ng monitoring sa mga iligal na na nag aalaga ng wildlife nang walang permit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments