𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗜𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Patuloy pa rin na isinusulong s lahat ng mga residente ang pagbibigay halaga at pakikisama sa environment action ng lokal na pamahalaan ng Bayambang para sa kanilang inilunsad na ‘Bali-Balin Bayambang’.

Nito lamang ay sama-sama ang mga miyembro mula sa Federation of Civil Society Organizations of Bayambang at ng iba pang grupo na tumulong sa paglilinis ng kapaligiran sa pamamagitan ng isang clean up drive.

Naglilinis sa ibat ibang barangay ang mga nagboluntaryong grupo sa pakikipagtulungan rin ng ESWMO.

Bukod sa mga organisasyon at asosasyon ay nakibahagi rin sa naturang paglilinis ang hanay ng kapulisan sa Bayambang at maging bise alkalde ng bayan bilang patuloy na pagsuporta rin sa naturang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments