Cauayan City – Natanggap na ng mga benipesyaryo ng I-Rise Program at BRO-Ed Scholars ang kanilang financial assistance at scholarship allowance kahapon ika-13 ng Setyembre.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal at scholarship allowance ay isinagawa kasabay ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para Sa Lahat Caravan sa Isabela Provincial Capitol Amphitheater.
Umabot sa P500,000 tulong pangkabuhayan ang naipamahagi sa 307 beneficiaries na kinabibilangan ng mga ambulant vendors, mga barbero, masahista, butchers, at iba pa.
Samantala, umabot rin sa 2.1 million pesos ang naipamahagi sa 666 BRO-Ed scholars sa 1st semester ng Academic Year 2023-2024, habang 1.5 Million Pesos naman ang naipamahagi sa 500 Scholars sa 2nd Semester ng AY 2022-2023.
Nakatanggap rin ng bigas ang mga benepisyaryo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.