
β
βCauayan City β Pormal na idineklara ang Ilagan City Component Police Station bilang Drug-Free Workplace kahapon Pebrero 12, 2026, alinsunod sa DDB Regulation No. 13, s. 2018.
β
βDumalo sa seremonya ang mga opisyal mula sa PDEA Regional Office 2 at PDEA Isabela Provincial Office, Isabela Police Provincial Office, DILG-City of Ilagan, at Liga ng mga Barangay, kasama ang mga katuwang mula sa religious sector.
β
βBinigyang-diin naman ng mga tagapagsalita na ang pagiging drug-free workplace ay hindi lamang deklarasyon kundi isang patuloy na obligasyon.
β
βKasabay nito, inilunsad ang Joint Linkages for Sustainable Drug-Cleared Ilagan upang masiguro ang tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.
β
βLayunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng mga pambansang ahensya, lokal na pamahalaan, faith-based organizations, at komunidad upang mapanatili ang drug-cleared status ng lungsod. Kabilang dito ang monitoring, rehabilitasyon, at mga edukasyong pangkomunidad kontra droga.
β
βSource: Ilaganccp Ippo
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










