Sinang-ayunan ng ilang magulang maging ng mga estudyante sa lalawigan ng Pangasinan ang tuluyang pagbalik sa dating school year calendar lalo ngayong patuloy na nakararanas ang karamihan sa kanila ng hirap sa pagbyahe dahil sa mainit na panahon kapag papasok na sa eskwelahan.
Ang ilang magulang sinabing hindi na rin umano naaayon sa katawan ng mga bata ang kalagayan ng panahon tuwing buwan ng marso hanggang mayo kung saan dapat sana ay itinuturing na summer break.
Ang mga nag-aaral din sa kolehiyo gaya sa Dagupan City, hirap din sa pagcommute papunta ng kanilang mga unibersidad dahil sa init ng panahong nararanasan.
Nito lamang ay naaprubahan na rin ng Pangulo ang mungkahing pagbabalik sa old school calendar at sa sa susunod na taon mismo ay may posibilidad na tuluyan na itong maipatupad at muling susundin ng Department of Education sabay sa ilang pagbabago rin sa schoolyear calendar of activities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨