𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa dahilan ng pagkamatay ng isang trenta y dos anyos na lalaki sa Dagupan City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Flores residente ng Brgy. Calmay sa nasabing Lungsod.

Nakita ang biktima na nakahandusay malapit sa pintuan ng kanilang bahay mag aalas kwatro ng hapon kung saan ay isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipag inuman pa ang biktima sa mga kaibigan nito sa labas ng kanilang bahay ng gabi bago ito nakitang nakahandusay kinaumagahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments