𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣

Walang tigil sa panghihikayat ang transport group na Alliance of Concern Transport Organization o ACTO sa ilan pa nitong miyembrong PUV drivers at operators na hindi pa umaanib sa mga kooperatiba at korporasyon para sa pag-usad ng Jeepney modernization sa bansa.

Ayon kay ACTO National President Liberty S. De Luna, nasa sampung posyento pa ng kanilang mga miyembro ang hindi pumapayag makipag-consolidate.

Hindi naman umano maaaring iwan ang iba nilang kasamahan at sila lamang ang susunod sa batas.

Hirit nito na kaya umano hindi pa rin pumapayag ang ilan sa kanilang kasamahan ay dahil nahikayat rin sila ng transport group na MANIBELA kung saan hindi buo ang suporta sa consolidation at jeepney modernization.

Samantala, inihayag rin ni Deluna na hindi rin naman agad agad uutang ang mga PUV drivers at operators at patuloy na naghahanap ang gobyerno ng mas murang halaga ng modernized jeepneys na kayang bilhin ng mga kooperatiba at korporasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments