𝗘𝗫𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗪𝗘𝗟𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Isang welcome development para sa grupong Alliance of Concern Transport Organization o ACTO ang naging desisyon ng Pangulong Bongbong Marcos na extension ng PUV Consolidation hanggang buwan ng Abril.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Acto National President Liberty de Luna, mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa miyembro ng consolidation.

May tatlong buwan pa aniya ang mga hindi pa kasali upang makapag miyembro sa nasabing consolidation.

Sa ngayon ay nasa 10% pa aniya ang mga kasapi o miyembro ng ACTO na hindi sumasama sa PUV Consolidation kung saan ay madami rin dito sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments