
Cauayan City – Nasamsam ng pulisya ang isang ilegal na baril at iba’t ibang uri ng bala sa pagpapatupad ng search warrant sa Barangay Piggatan, Alcala, Cagayan noong ika-15 ng Enero.
Kinilala ang suspek na si alyas “Aya”, 36-anyos, magsasaka, at residente ng nabanggit na bayan.
Kabilang sa mga narekober ang isang M1 Garand rifle na may mga bala at clip, isang improvised caliber .22caliber firearm, isang improvised boga, at iba pang bala para sa iba’t ibang uri ng baril.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Alcala Police Station para sa dokumentasyon at paghahain ng kasong mpaglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










