𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢 𝗠𝗢 𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜 𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Pinaiigting ngayon ng ilang barangay sa Dagupan City ang implementasyon ng Aso mo, itali mo Ordinance matapos ang kaliwat kanang insidente na nasasangkot ang mga asong pagala gala.

Sa barangay Mamalingling, ang miyembro ng barangay council ay pinaigting ang pagpapatrolya lalo na sa Gabi upang masigurong walang paga galang aso.

Kamakailan umano may dalawang asong nahuli ang mga ito sa barangay.
Agad namang kinuha ng kanilang amo ang mga aso.

Sa Barangay Mangin, nakahanda ang lugar para sa mga asong ma-impound at sinigurong may maayos na lugar ang mga ito habang wala pang kumukuha sa kanila.

Panawagan ng awtoridad sa mga pet owners na maging responsable upang maiwasang makaperwisyo ang mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments