Bahagyang bumilis ang headline inflation o antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kalakal at serbisyo sa bansa nitong buwan ng Abril ngayong taon.
Sa tala ng ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis sa 3.8% ang inflation rate ngayong Abril, bahagyang mas mataas kumpara sa 3.7% na rate nitong Marso lamang.
Isa sa pangunahing nakitang dahilan sa pagtaas ng kabuuang inflation ay ang paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages na nasa 6% ngayong Abril mula sa 5.6% nitong March 2024.
Bagamat bumilis ang headline inflation ay naitala naman ang bahagyang pagbagal sa rice inflation kung saan mula sa 24.4% noong Marso ay bumaba sa 23.9% ngayong Abril.
Ayon kay PSA Chief Claire Dennis Mapa, bunsod ito ng pagbaba sa presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨