𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗜𝗗𝗦 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗟𝗘𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Isinagawa sa Ilocos Region ang International AIDS Candlelight Memorial Day upang gunitain ang mga indibidwal na nagbuwis ng buhay at mga may Acquired Immunodeficiency Syndrome sa buong mundo.

Dinaluhan ng mga opisyal mula sa DOH CHD 1, Ilocos Training and Regional Medical Center, PHO La Union at iEcho Support Advocacy Incorporated ang naturang candlelighthing activity.

Idinaraos tuwing ika-tatlong Linggo ng Mayo ang aktibidad sa buong mundo na nagsimula noong 1983, at dahilan upang tumaas ang HIV awareness ng publiko.

Ngayong taon may tema ang seremonya na “Put People First:Kandila ng Pagkalinga, Liwanag ng Pagasa”, nais na isulong ang pangangailangan at karapatan ng mga people living with HIV o PLHIV.

Kasabay nito inilunsad din ang HIV Photo Campaign na The Project:Fearless kung saan tampok ang sampung Ilocano na PLHIV na dumanas ng stigma at diskriminasyon dahil sa sakit.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DOH-CHD 1 ang publiko na magkaisa upang matuldukan ang stigma ng HIV/AIDS sa inklusibong komunidad. Ugaliin ang healthy behaviors upang maiwasan ang HIV at makakuha ng libreng HIV prevention methods, treatment at testing sa mga ilang pagamutan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments