
Cauayan City – Natapos na ang pitong taong paghahanap sa huling suspek sa pagpatay kay Alfredo T. Alvarez, dating konsehal ng Rizal, Cagayan, noong 2018, nang madakip ang lalaki sa Barangay San Pedro, Rizal, Kalinga, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kinilala ang suspek na si alias “Jose,” na nahaharap sa dalawang warrants of arrest mula sa Tuguegarao City Court noong 2022 at 2025 sa parehong kaso.
Ayon sa CIDG, si “Jose” at apat pang kasama ang diumano’y nambu-bugbog kung saan napatay si Alvarez sa San Gabriel, Tuguegarao City noong Hulyo 29, 2018, kapalit ng pera.
Naaresto na rin ang mga kasamahan ni alyas “Jose” na sina alias “Den,” sa Tabuk City noong Enero 5, habang si alias “Simeon” ay nahuli noong Disyembre 2, 2025 sa Tuguegarao City.
Dalawa pang kasama, sina “Jocel” at “Jessie,” ay naaresto na rin sa ibang murder case at kasalukuyang nakakulong sa Cagayan Provincial Jail.
Samantala, kasama si alyas “Jose” sa Labang criminal group, na kilala sa gun-for-hire, robbery, akyat-bahay, extortion, carnapping, at cattle-rustling sa Third District ng Cagayan Valley at karatig na probinsya ng Kalinga at Isabela.
Source and Photo Courtesy: GURU PRESS CORDILLERA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










