Monday, March 23, 2026

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—š๐—จ๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ก๐—š โ€œ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—ฉ๐—”๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€

โ€ŽCauayan City – Inilunsad ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mas pinaigting na kampanya ng โ€œLigtas SUMVAC 2026โ€ bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong tag-init.

โ€ŽIsasagawa ang operasyon mula Marso 29 hanggang Mayo 31, 2026 upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa buong lalawigan.

โ€ŽTututukan ng operasyon ang mga pangunahing lansangan, terminal, simbahan, at kilalang pasyalan sa lalawigan, lalo na sa mga okasyong dinarayo ng maraming tao tulad ng Semana Santa at iba pang mahahalagang pagdiriwang.

โ€ŽKabilang dito ang paghahanda para sa Holy Week na magsisimula sa Palm Sunday hanggang Easter Sunday.

โ€ŽMagkakaroon ng mas pinaigting na police visibility sa pamamagitan ng dagdag na deployment ng mga pulis, kabilang ang mobile at foot patrols sa mga mataong lugar. Magtatayo rin ng mga assistance centers at help desks upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga biyahero.

โ€ŽAyon kay PCOL Manuel B. Bringas, Provincial Director ng IPPO, nakahanda ang kanilang hanay na tiyakin ang kaayusan at seguridad sa lalawigan. Hinikayat din niya ang publiko na maging alerto at makipagtulungan sa awtoridad para sa isang ligtas na paglalakbay.

โ€ŽSource: ISABELA PIO

Facebook Comments