Isinailalim na rin sa State of Calamity ang bayan ng Solsona sa lalawigan ng Ilocos Norte bunsod ng matinding epekto ng El Niño Phenomenon.
Ayon sa bise alkalde Jhong Delara, pumalo na sa mahigit 60% ang apektado sa agrikultura sa bayan dahilan ang patuloy na nararanasang mainit na panahon maging ang kakulangan sa patubig.
Dagdag pa niya na maaari nang gamitin ng mga apektadong barangay ang calamity fund upang makatulong sa pag-ibsan sa epekto nito partikular sa mga magsasaka ng bayan.
Nasa labing lima mula sa dalawampu’t-dalawang mga bahagi ang patuloy na nakararanas ng dry spell.
Samantala, labin-isang rehiyon naman na kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), MIMAROPA (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, and Palawan), Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, and SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City) ang nananatiling apektado ng El Nino Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨