𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗦𝗧𝗜𝗖 𝗖𝗔𝗥𝗗𝗦 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗟𝗢𝗚

Nag-umpisa nang ipamahagi ng Land transportation office o LTO Dagupan ang mga license plastic cards na dumating para sa kanilang backlog.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay LTO Dagupan Chief Romel Dawaton, nasa labing walong libo aniya ang kanilang backlog license at ang mga cards na dumating ay limang libo lamang.

Hanggang nitong linggo, aniya ,ay nasa apat na raan na aniya ang naipamigay sa mga nagtutungo doon upang kunin ang kanilang mga cards.

May iskedyul naman, aniya, na inilabas ang LTO Central Office upang sabay-sabay na makapag claim ang mga nabigyan pa lamang noon ng papel.

Tiniyak naman nito na sa lalong madaling panahon ay maipapamahagi na lahat ng mga andun na lisensya base sa iskedyul. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments