Wednesday, April 8, 2026

𝗜𝗦𝗨𝗔𝗡𝗦, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗖 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗔𝗥𝗧𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲

Cauayan City – Dumating na sa Iloilo City ang deligasyon ng Isabela State University na sasabak sa PASUC National Culture and the Arts Festival 2026.

Magsisimula ngayong araw, ika-8 ng Abril ang kompetisyon at magtatagal hanggang sa sabado, ika-11 ng Abril na lalahukan ng iba’t-ibang Schools, Colleges, at Universities sa buong Pilipinas.

Nagsilbing host para sa PASUC NCAF 2026 ang West Visayas State University.

Samantala, kabilang sa mga magpapasiklab at magpapakita ng galing sa larangan ng sining at kultura ang 54 na deligado mula sa Isabela State University System.

Kabilang sa kategorya na kanilang lalahukan ay ang Indigenous Dance, Contemporary Dance Duo, Dramatic Monologue (Filipino), Duo Acting, Pagsulat ng Sanaysay, Story Telling, Dagliang Talumpati, Persuasive Oratory, Oral Interpretation of Poetry, Classical Guitar, Photo contest, at Pop Solo Competition.

Ang pagrepresenta ng mga deligado sa National bilang kinatawan ng Isabela ay malaking karangalan at oportunidad upang ipakita ang galing at talento ng ISUan’s sa larangan ng sining at kultura.

Facebook Comments