CAUAYAN CITY- Ilulunsad ngayong araw, ika-1 ng Hulyo, ang Kadiwa ng Pangulo Caravan sa Lungsod ng Santiago.
Magbubukas naman ito ng alas otso ng umaga at magtatapos ng alas singko ng hapon sa mismong harap ng City Hall.
Tampok sa Caravan ang mga produkto at ani ng mga local farmers at producers sa nasabing lungsod.
Inaanyayahan naman ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang lahat na dumalo at suportahan ang kanilang Kadiwa sa Pangulo Caravan.
Facebook Comments