Inihayag ni Dr. Westly Rosario, Chairman ng Board of Fisheries – Professional Regulation Commission na dapat tutukan at pagbutihin ng pamahalaan ang kalidad ng industriya ng bangus dahil sa pagkakaroon ng krisis sa suplay ng bangus sa bansa.
Aniya, ang lalawigan ng Pangasinan ay isa sa pinakamalaking prodyuser ng bangus sa bansa.
Upang masigurado umano na maayos at maganda ang kalidad ng mga bangus, iminungkahi nito na kailangang may magsagawa ng inspeksyon sa kalidad ng tubig na kinaroroonan ng mga ito maging ang suplay nito ay dapat bigyang-pansin ng pamahalaan.
Bagamat may krisis sa suplay nito, nananatili pa ring masigla ang industriya ng bangus.
Samantala sa monitoring ng Department of Agriculture Ilocos Region, nasa 180 pesos ang kada kilo nito sa lalawigan ng Pangasinan, 200 sa La Union at 220 sa Ilocos Sur at Ilocos Norte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨